Bibingka Galapong
BIBINGKA GALAPONG
BIBINGKA GALAPONG RECIPE
Anong ibig sabihin ng Bibingkang Galapong?
Ang bibingka ay popular na pagkain ng mga Pilipino. Ito ay pagkain na niluluto sa dahon ng saging. Ito ay ang pinaghalong malagkit, gata ng niyog at itlog at ang flavor na gustong ilagay. Mas masarap kainin ito kapag mainit init at may butter,cheese, at kinayod na niyog sa ibabaw nito. Ito ay laging niluluto sa pasko at anumang okasyon tulad ng pagdiriwang ng kaarawan, pagtatapos sa pag- aaral, piyesta, kasalan at iba pa. masarap din kainin ito sa mainit na kape at mainit na chocolate.
Saan naman ginagamit ang Galapong?
Ang galapong ay ang traditional na pagkain ng mga Pilipino na ginagamit ay ang rice flour ( malagkit), ang tubig at ang mga sangkap nito na pinaghalo at hinahayaan ito ng ilang oras o minuto para umalsa at magkalasa.
MGA SANGKAP:
- 1/4 baso ng glutinous rice ( malagkit)
- 1/2 baso ng puting kanin powder
- 1 1/2 baso ng tubig
- 3 itlog
- 3/4 baso ng asukal (mas maigi gumamit ng brown na asukal)
- 3 tsp butter 1 1/4 baso ng gata ng niyog
- 1/4 baso ng grated cheddar cheese
- 1/2 tsp asin
- 1 basong evaporated milk
- vanilla essence
- 1/2 baso ng laman ng buko(optional)
- dahon ng saging
- Ibabad ang glutinous rice (malagkit) at puting kanin brown na asukal, gata ng niyog, evaporated milk, at itlog.
- Pag haluin lahat ang mga sangkap. Para mas masarap ang bibingka pwede din lagyan ng laman buko.
- Ilagay ito sa baking pan. Pwede din gumamit ng aluminium foil kung wala kayong dahon ng saging.
- Tignan na lang po ang larawan sa baba kung paano lutuin.
- Lutuin lamang ito ng hindi masiyadong sunog ang ilalim at ibabaw.
- Sa isang kawali ilagay ang gata ng niyog at brown na asukal, ikaramelized ito. (ginagamit itong pang toppings) Lutuin lamang ito hangang sa maging malapot. niluluto ito sa mahinang apoy.
- Pagkatapos maluto ang bibingka ilagay na sa ibabaw ang kina ramelised na toppings. Siguraduhing na spread lahat ang toppings. at pagkatapos ilagay ulit sa lutuan ng mga 5 minuto. at sa mahinang apoy lamang.
- Pagkatanggal sa apoy ilagay ito sa lalagyan at ilagay ang cheddar cheese sa ibabaw nito
- Serve and enjoy...
- Ito ang traditional sa pagluluto ng bibingka galapong.
SHARE AND LIKE NA DIN PO PLEASE