Chicken Bicol Express

CHICKEN BICOL EXPRESS

CHICKEN BICOL EXPRESS [CHICKEN BICOL EXPRESS RECIPE] [CHICKEN BICOL EXPRESS LUTONG MASARAP]

MGA KATANUNGAN AT SAGOT?
Saan nagsimula ang bicol express?
Noong 1960's ang Bicol Express ay nagsimula sa Bicol Region. 
Ano ang Bicol Express?
Ang bicol express ay tinatawag na "sinilihan" . Ito ay popular na ulam ng mga Pilipino na popurized sa Malate, Manila na galing sa tradition ng mga Bicolan style. Ito ay stew(estopado) sa siling haba at maliit na siling pula labuyo na sili), gata ng niyog, bagoong alamang, at ang mga pampalasa nito. Ito ay creamy na nanggagling sa gata ng niyog, at ang anghang nito. 
Ang Bicol Express ba ay maganda sa diet?
Oo dahil sa delicious nitong lasa na nagagling sa gata ng niyog na nanunout sa karne ng manok.
Anu- ano ang mga variation ng Bicol express?
 Pwede din gumamit ng pork belly. At ang isa pa ay ang seefoods, tulad ng hipon, squid, at ang mussels. Ang karne ng  manok ay less fat, at mabilis lutuin.
Bakit gustong- gusto ng mga tao kainin o lutin ang  bikol express?
Dahil ang bicol express ay mayaman sa local na panlasa  na nagbibigay ng sarap ng niluluto.ito ay kadalasan nakakain sa mga karinderia. At niluluto din ito kapag tag- lamig o kapag malamig ang panahon.
Ano ang magandang ipares sa bicol express?
Ito ay piinapares sa mainit na kanin at ang malamig na tubig o di kaya malmig na soft drinks.
Ilang Calories ang Bicol Express?
Ito ay may 127 calories, 19.55 g fat, 13.96 g carbs, 21.45 g protein

Ano ang dating tawag sa Bicol?

Ang Bicol Region ay tinatawag na IBALONG noon na ang ibang tawag ay mga IBALOI "to bring to the other side" IBALON "people fom the othr side" o di kaya "people who are hospitable and give visitors gifts to bring home."

Paano lutuin ang Bicol express?
  1. Hugasan at hiwain ang mga sangkap ayon sa hustong hiwa.
  2. Ipainit ang kawali at maglagay ng mantika
  3. Igisa ang bawang, -kapag mediyo brown na bawang pwede ng ilagay ang sibuyas- haluin at lutuin ng 30 segundo lamang
  4. Ilagay ang luya na hiniwa ng maliit.-haluin ng 30 segundo
  5. Ilagay ang manok- hahaluin agad at ma blend ang mga unang nailagay.- kapag light ng luto ang manok pwede ng ilagay ang sili- para kumapit ang anghang. Haluin lang at ituloy lng ang  pag gisa.
  6. Ilagay na ang gata ng niyog. - hayaan lang kumulo - kung napansin ng unti unti ng kumulo ang gata pwede ng haluin ito.
  7. Ilagay ang knorr chicken cubes.- para mas buong- buo ang lasa ng manok.
  8. Hindi na takpan ang kawali i=hinaan lang ang apoy, ituloy lang ang pagpapakulo hanganh ma reduce na ang gata ng niyog sa kalahati. mapapansin na lumalapot na ito.
  9. Ihalo na ang bagoong alamang. Haluin
  10. Ilagay na ang siling green haluin at takpan. sa mahinang apoy lamang
  11. Lutuin lang ito ng 2-3 minuto.
  12. Ilagay sa malinis na lalagyan 
  13. Serve and enjoy...


Anu- ano nga ba ang mga sankap nito?

MGA SANGKAP: 
  • 1 kg chicken breast fillet
  • cooking oil
  • ground black pepper and salt to taste
  • 10 cups coconut milk
  • 1 tbsp sugar
  • 5 gloves garlic
  • 5 tbsp shrimp paste 
  • 1 medium onion
  • 1 pc. siling  labuyo 
  • 2 pcs.  siling haba greeen
  • 1 thumb ginger
  • knorr chicken cubes

Ilang oras lutuin ang Bicol Express?
Preparasiyon: 5-7 minuto
Oras sa pagluluto: 30 minuto

Para sa mga may katanungan mag comment lang ...maraming salamat..


HUWAG KALIGTAAN MAGPASALAMAT SA MAY KAPAL SA MGA BIYAYANG ATING KINAKAIN SA ARAW- ARAW...💘🙏

FOLLOW FOR MORE RECIPE....jUST CLICK THE LINK BELOW...


 tanblogs (tan4321.blogspot.com)

Kilalang Mga Post