Chicken Biryani

                    CHICKEN BIRYANI

SIMPLENG CHICKEN BIRYANI
SIMPLENG CHICKEN BIRYANI  PARA SA BAGUHAN
CHICKEN BIRYANI SANGKAP
 Sa lutong ito aking ibahagi sa iniyo kung paano mag luto ng simpleng chicken biryani.
Ang chicken biryani ay gawa sa layering marinated chicken at sa taas nito ay ang lutonh kanin at ang pinaghalong herbs, saffron, at ghee. Ang chicken biryani ay niluluto sa pressure cooker o di kaya pot.

Para sa masarap na luto sundan lang po ang mga sangkap at kung paano lutuin. 

KONTING KAALAMAN:

  1. BASMATI RICE- maraming klase ng basmati rice na available sa mga market. pero mas mainam na piliin ang premium quality basmati rice na may label na AGED. Ang bigas na ito ay fluffs at long grain, at mabango din.
  2. BIRYANI MASALA- ang magandang quality ng chicken biryani masala ay ang ready made na nabibili sa mga market.
  3. GHEE- ang pgluluto ng chicken biryani ay ginagamitan ng ghee na nagbibigay ng aroma sa niluluto
PAANO NGA BA LUTUIN ANG CHICKEN BIRYANI NG MASARAP:
  • MARINATION- ang pag mamarinate ng karne ng manok sa yogurt at mga sangkap ay ang unang step para manuot ang lasa ng spices sa manok. Ang pag marinate ay nag bibigay ng lambot sa karne ng manok.
BIGAS - ang bigas ay kinakailangan ng hugasan ng mabuti. pagkatapos hugasan ibabad ito upang mas madaling maluto at mahaba ang kanin.



MGA SANGKAP NG CHICKEN BIRYANI:

  • 1 kilo CHICKEN(MANOK) na may buto(hiniwa ng medyo malalaki)  
  • 700g Basmati rice (4 na baso)
MGA SANGKAP SA PAG-MARINATED NG MANOK:
  • 400g sibuyas (hiwain ng medyo malalaki)
  • 2 tbsp luya at bawang paste
  • 4 pcs. na kamatis
  • 6 pcs. green chilli
  • 1 basong corriender leaves (chopped)
  • 1 basong plain yogurt
  • 1 basong mint leaves (chopped)
  • 5 tbsp biryani masala or garam masala (in sachet)
  • 1/2 to 3/4 tsp asin
  • 1/4 tsp turmeric
  • 1/2 to 1 tsp red chilli powder
  • 1 tbsp lemon ( kung kinakailangan)
MGA SANGKAP SA PAG-LUTO NG BIGAS:
  • 1/2 tbsp shahjeera
  • 4 medium pieces of green cardamom
  • 4 pcs. cloves
  • 2 pcs. cinnamon
  • 2 1/2 tbsp asin
  • 2.5 to 3 liter tubig (pang pakulo sa bigas)
  • 10- 15 dahon ng mint 
  • 1 star anise
  • 1 strand mace
  • 1 green chilli
  • 2 tbsp fried na sibuyas
  • 1 pinch saffron

PREPERASYON:
  • Hugasan at linisin at hiwain ang manok.( i drain ito para mawala ang tubig)
  • Hiwain ang sibuyas , kamatis at green chilli
  • I chopped ang corriender at mint
  • Hugasan at ibabad ang bigas ng 30 minuto.
  • Hugasan din ang mga kagamitan na gagamitin.
  • Sa isang malinis na bowl ilagay ang yogurt, luya at bawang paste, asin garam masala, turmeric, lemon juice, red chili powder.
  • haluin ang mga sangkap at tikman dagdagan ng asin o di kaya spices.
  • Ihalo ang karne ng manok sa pinaghalong marinated na sangkap at haluin.
  • Takpan at i set a side ng 1 oras o higit pa para sa mas masarap na lasa ng manok.



PARAAN NG PAG-LULUTO NG CHICKEN BIRYANI:
  • Painitin ang ghee o di kaya mantika sa isang pot o di kaya pressure cooker.
  • Ilagay ang buong spices- bay leaf, cardammom.cloves, cinnamon, star anise, shahjeera at mace sa mainit na mantika.
  • Ihalo ang nahiwang sibuyas at ihalo (hangang mag kulay brown ang sibuyas)
  • Ilagay ang minarinated na karne ng manok (dapat medium fire lang)
  • Takpan at lutuin ang manok ng 10 minuto.
  • Tikman ang lasa, dagdagan ng asin kung kinakailangan.
  • ILagay ang yogurt,chopped mint leaves, slit green chilli,red chilli powder at garam masa
  • Sa isang pot pakuluin ang tubig,at lagyan ng asin
  • Kapag kumulo na ang tubig ilagay na ang bigas na ibinabad sa tubig.(dapat hindi durog ang bigas)
  • Pagkatapos ng 8-9 na minuto dapat 80% lang ang luto ng bigas
  • I drain ang kanin at i set a side.
LAYERING KANIN AT ANG NALUTONG KARNE NG MANOK:
  • Sa unang layer maglagay ng kalahating kanin.(spread)
  • Sa pangalawang layer ilagay ang nalutong manok.(spread)
  • Sa pangatlong layer ilagay ang natirang kanin(spread)
  • Sa ibabaw ilagay ang mint, fried na sibuyas at saffron
  • Takpang  mabuti, dapat low fire lang, hayaan ng 20 minuto.
  • Kapag binksan na ihalo, dapat dahan dahan para hindi madurog ang kanin.
ORAS NG PREPARASYON- 1 ORAS
ORAS NG PAGLULUTO- 30 MINUTO
SERVINGS -5-6 NA KATAO

HUWAG KALIGTAAN MAG PASALAMAT SA MAY KAPAL SA PANG ARAW-ARAW NA BIYAYANG ATING KINAKAIN💖🙏


COMMENT LANG PO KAYO........MARAMING SALAMAT



Kilalang Mga Post