Chicken Menudo

CHICKEN MENUDO

CHICKEN MENUDO[CHICKEN MENUDO Recipe]

Ano ang Chicken Menudo?

Ang Chicken Menudo ay isa sa tradisiyonal na luto NG mga Pilipino na ang mga sangkap nito ay ang manok, patata, carrots, bell pepper, at ang thick tomatoes sauce.
Ito ay laging niluluto kapag may okasyon at handaan. Pwede din lutuin ang boneless na karne ng manok at karne ng baboy. 

Bakit tinawag na menudo ang menudo?

Ito ay spanish menudo na ang latin na salita ay ''minutus" 

Saan nagsimula ang Filipino Menudo?

Ang menudo ay kilala din sa tawag na ginamay o ginagmay ( cebuano- chopped into small pieces). Ito ay traditional na pagkain ng mga Pilipino sa gawa sa hiniwang karne ng manok o di kaya karne ng manok, at ang mga gulay nito tulad ng carrots, patata, green at red belll pepper.

 

 


Anu- ano ang mga sangkap sa pagluluto ng chicken menudo? 

MGA SANGKAP: 

  • 1 lb boneless chicken or meat
  • 1 medium carrot
  • 1 medium potato 
  • 1 small red bell pepper
  • 1 medium onion
  • 1 small green pepper
  • 1/4 cup raisins
  • 3 gloves garlic
  • 7 ounces tomatoe sauce
  • 1/2 cut lime
  • 1 tsp garlic powder
  • 3 tbsp olive oil
  • 4 tbsp soy sauce
  • salt and pepper to taste
  • 2-3 pcs. bay leaf
Paano lutuin ang chicken menudo?

Narito ang mga hakbang sa pagluluto ng chicken menudo:
  1. Hugasan at hiwain ang mga sangkap ayon sa laki nito.
  2. Sa mainit na kawali ilagay ang mantika.
  3. Ilagay ang sibuyas at isunod amg bawang. -dapat medyo brown ang kulay
  4. Ilagay ang karne ng manok. - haluin at takpan 2-3 minuto
  5. Ilagay ang tomatoe sauce -haluin
  6. Isunod naman ang juice lime at ang bay leaf- haluin at takpan ng 2 minuto
  7. Ihalo ang nahiwang patata- haluin , 3 minuto
  8. Isunod ang carrots - haluin, kapag medyo malambot na ang carrots at patata 
  9. Isunod naman ilagay ang red pepper at green pepper.
  10. Ilagay na din ang mga pampalasa asin, ground pepper, at soy sauce. -haluin at takpan hangang kumulo. 3 minuto na mahina ang apoy.
  11. Ilagay na ang raisins
  12. Ilagay sa malinis na lalagyan 
Serve and enjoy..
Pre[arasyon: 10 minuto
Oras sa pagluluto: 10- 15 minuto

Para sa mga may katanungan mag comment lang po,,maraming salamat.

HUWAG KALIGTAAN MAGPASALAMAT SA MAY KAPAL SA MGA BIYAYANG  ATING NATATANGGAP SA PANG ARAW -ARAW NATING KINAKAIN💘🙏


Kilalang Mga Post