CHICKEN PULAO

CHICKEN PULAO
CHICKEN PULAO [chicken pulao recipe]
 CHICKEN PULAO

Ano ang chicken pulao?
Anu-anu ang mga sangkap sa pagluluto ng chicken pulao?
Paano lutuin ang chicken pulao?

PULAO - ay mangkahalintulad sa Biryani.Ito ay mas madaling lutuin, hindi masyadong ma anghang at hindi greasy di kagaya ng biryani. Ang chicken pulao ay mostly na kakain ito sa mga restaurant. Ang chicken pulao ay niluluto lamang sa iisang pot at hindi ito layered. Ito ay niluluto sa pressure cooker o di kaya sa ordinaryong pot lamang. Para sa mas masustansiyang pulao dagdagan ng mga gulay.

MGA SANGKAP SA PAG MARINATE:
  • 750 grams chicken with bone or 450 grams boneless
  • 1 tsp ginger garlic paste
  • 1/8 tsp turmeric
  • 1/4 or 1/2 tsp salt 
  • 1 tsp garam masala
  • 2 tbsp lemon juice or yogurt
  • 1/4 kashmir red chili
  • 3 pcs. tomatoe
IBA PANG SANGKAP:
  • 1 malaking sibuyas( hiniwa)
  • 1-2 pcs. kamatis(hiniwa)
  • 1/2 mint leaves
  • 1/4 corriender leaves
  • 2 tsp ginger garlic paste
  • 2 bay leaf
  • 2 star anise
  • 3/4 tsp cumin
  • 5 cloves
  • 8 cardamoms
  • 2 cut cinamon
  • 2 black cardamon(kung kinakailangan)
  • 1 strand mace(kung kinakailanagan)
  • 1 small pc. of nutmeg(kung kinakailangan)


KARNE NG MANOK
-
ang karne ng manok na my buto ay mainam sa lutong ito. Pero kapag boneless naman ang ilulutong karne ng manok ay konting oras lamang ang kailangan.
BIGAS- kailangan ang Basmati rice sa pagluluto ng pulao na manok . Pwede din gumamit ng ibang bigas basta alam mong tanyahin kung gaano karami at paano mo lutuin ito.
ONION, GINGER-GARLIC PASTE MINTS LEAVES AT GREEN CHILLIES- ay ang mga sangkap para mas lalong sumarap ang iyong lutong pulao.Kung ayaw mo naman ang lasa ng mint leaves pwede mong gamitin ang corriender leaves.
KAMATIS- minsan ang pulao ay ginagamitan ng kamatis, dipende sa iyo kung gusto mo ng kamatis o hndi. kung wala kang yogurt pwede mong gamitin ang kamatis. Pero huwag masyadong gumamit ng kamatis.
TUBIG- ginagamit ang tubig sa pagluluto ng pulao na manok. May ibang tradition namna na gumagamit sila ng coconut milk para umiba ang lasa ng pulao.


PREPERASIYON: MARINATION
  • Sa isang malaking bowl ilagay ang manok at ilagay ang mga sangkap -garlic ginger paste, kashmir chilli, turmeric, salt, garam masala, lemon juice o di kaya yogurt.
  • Haluin mabuti, takpan at isantabi habang inihahanda ang iba pang kailangan sa pagluluto ng chicken pulao.
  • Sa isang malaking bowl ilagay ang bigas at hugasan ito ng mabuti atlis 3 beses. At ibabad ng 30 minuto.
UMPISAHAN NA ANG PAGLULUTO:
  1. Sa isang pot o di kaya pressure cooker mag lagay ng mantika o di kaya ghee .At kung mainit na ang mantika o ghee ilagay na ang mga sangkap tulad ng bay leaf, cumin, cirriender, cardamom, star anise, cloves,cinamon, at nutmeg at ihalo.
  2. Ilagay ang sibuyas at green chilli, ihalo at igisa ng 5-6 na minuto.
  3. Kung golden brown na ang kulay ng sibuyas  hinaan ang apoy.
  4. Ilagay ang ginger-garlic paste para manuot ang aroma  nito.
  5. Ilagay ang na marinated na karne ng manok, takpan ang pot ng 5 minuto.
  6. Lutuin ang manok sa pritong paraan.



  7. Idagdag ang corriender powder.

  8. Ilagay ang kamatis at haluin hangang ma mix lahat ang mga sangkap.
  9. Sa isang pot, magpakulo ng tubig at lagyan ng asin. Dapat hindi masiyadong maalat ang timpla ng tubig.
  10. ILagay sa salaan ang 80% cooked na bigas.
  11. Ihalo ang bigas sa nilulutong karne ng manok at haluin . huwag masiyadong haluin para hindi madurog ang kanin.
  12. TAkpan ang pot at hayaan lang maluto. Hindi masyadong malakas ang apoy para hindi masunog ang baba ng kawali.
  13. Hayaan lang maluto hangang wala ng tubig.Ihina ang apoy at lutin ito ng 10-15 minuto.
  14. Kapag luto na hayaan lang muna ang lutong pulao ng 5-10 minuto. At pwedeng mglagay ng ghee sa ibabaw para mas maaroma.
  15. S pagluluto naman sa pressure cooker takpan ito at kung marinig muna ang isang tunog . Patayin ang apoy, at tikman ang lasa. at magdagdag ng asin kung kinakailangan.
Para sa mas masarap na kain mas mainam na may naka serve na mint raita, o di kaya cucumber raita.

Preperasiyon sa pagluluto-20 na minuto
Oras sa pagluluto-30-40 na minuto
Buong oras sa pagluluto-1 oras
Serving-5-6 na katao

Huwag kaligtaan magpasalamat sa ating may kapal sa biyayang ating kinakain sa pang araw-araw.💖🙏

Mag comment lang po kayo at paki like na din po maraming salamat.











 

Kilalang Mga Post