KINAMATISANG MANOK

KINAMATISANG MANOK

KINAMATISANG MANOK(SARSIADONG MANOK) 
Ang nga ba ang KINAMATISANG MANOK? 
 Ang KINAMATISANG MANOK ay tinatawag din na SARSIADONG MANOK. Ang salitang SARSIADO ay nagsimula sa salitang Filipino na sarsa na ang ibig sabihin ay thick sauce. Ito ay ang karne ng manok na pinakuluan sa kamatis. Ang bok choy naman ay nagbibigay ng dagdag sa nutrition sa sabaw ng manok. Ang garlic, sibuyas at luya naman ang nagbibigay nang pantastic na lasa. Ang KINAMATISANG MANOK ay may kahawig sa tinolang manok, pero nilagyan lang ng maraming kamatis. 
Tara mga guys ating alamin kung paano magluto ng kinamatisang manok sa madaling paraan na tayo'y mabubusog.

REKADO SA PAGLULUTO NG KINAMATISANG MANOK:

  • 1 kilo manok ( hiwain sa gustong hiwa) 
  • 4 piraso (hiwain sa gustong hiwa?) 
  • 1 knorr chicken cubes
  • 2 bunches book choy
  • 3 long green chili peppers 
  • 1 buong sibuyas (hiwain ng pahaba o di kaya ayon sa gusto mong hiwa) 
  • 3 thumbs luya(crushed) 
  • 3 gloves garlic(crushed) 
  • 2 basong tubig
  • 3 tbsp mantika
  • Fish sauce at ground black pepper ayon sa panlasa

Paraan ng pagluluto ng KINAMATISANG MANOK :

  1.  Hugasan lahat ang mga gagamitin sa pagluluto. 
  2.  Hiwain ang manok, sibuyas, luya, bawang, green chilli pepper ayon sa hiwa ng mga ito. 
  3.  Ipainit ang kawali at ilagay ang 3 tbsp na mantika. 
  4.  Ilagay ang bawang hangang mag brown
  5.  Ilagay ang luya at sibuyas hangang sa lumambot at mag kulay brown. 
  6. Ilagay ang manok sa ginisang bawang, sibuyas, at bawang. Haluin
  7.  Ilagay ang hiniwang kamatis " kalahating kamatis muna ang ilagay"( mas maganda at masarap kung maraming kamatis ang ilalagay) 
  8.  Ibuhos ang tubig at takpan hangang kumulo. 5-10 na minuto 
  9. Ilagay ang knorr chicken broth cubes, para buong buo ang lasa nang manok. 
  10.  Lagyan ng patis ( konti lang ang ilagay) 
  11.   Takpan at hayaan lang kumulo para lumambot ang manok. 18 to 20 minuto. 
  12. Kung may mantika na lumulutang pwedeng tanggalin. kung ayaw niyo naman pwedeng hayaan na lang.
  13. Ilagay ang siling haba at takpan at pakuluin
  14. Ilagay ang green  bok choy pwede din ang petchay 
  15. Takpan at haluin. timplahan ayon sa panglasa.
Ilagay sa seving plate and enjoy..

Huwag kaligtaan mag pasalamat sa may kapal sa biyayang ating natatanggap araw-araw..💖🙏

Kung may katanungan po kayo mag comment lang po kayo.
Please subscribe na din po Salamat po ng marami.

Kilalang Mga Post