Laing Bicol

LAING BICOL

LAING BICOL [LAING BICOL RECIPE]

Ano ang Laing Bicol? 
Ang laing (natong) ay isang ma anghang na pagkain na luto sa gata ng niyog at taro leaves( dahon ng gabi). 
Ano ang English word ng Laing? 
Laing (taro leaves) na ni luto sa gata ng niyog na may halong karne at seafoods. 
Ang Laing ba ay masustansiya? 
Oo, dahil luto ito ng dahon ng gabi, gata ng niyog, karne NG baboy at seafoods. 
Ang Taro leaves ba ay may malaking kolesterol? 
Ang taro leaves ay hindi makolesterol. Ito ay may 1% lamang na total fat. Ito ay may dietary fiber  at methionine na nag papababa ng kolesterol. 
Ang salitang laing ay nagsimula sa Bicol Region. At isa rin itong paborito ng mga pagkain ng mga Pilipino. Ang pinaka pangunahing sangkap nito ay ang tuyong dahon ng gabi o laing (taro leaves). May sangkap din itong pinatuyong maliliit na hipon, maliliit na dilis at liyempo ng baby (pork belly). Mayroon din itong shrimp paste at maraming gata ng niyog para mas masarap. 
Paano nga ba mag luto ng laing na hindi makati?

Tara samahan niyo ako magluto..

 
  1. Magpakulo ng tubig at ilagay ang dinikdik na luya. 
  2. Ilagay ang nahiwang maliliit na pork belly o liyempo ng baboy sa kumukulong tubig na may luya. At maglagay din ng konting Chinese rice wine. 
-luya pampatanggal ito ng lansa ng baboy.
-mabilis ang ang mag pa parboil kasi maliliit naman ang hiya ng karne ng baboy. 
3. Maglagay ng isang kutsaritang asin, para magkalasa ang karne ng baboy. 
-hayaan kumulo ng 2-3 minuto. Hanguin at hugasan at ilagay sa strainer.
4.Sa pinagpakuluan nang karne ng baboy ilagay naman natin ang tuyong dahon ng baboy. 
-ito ay mahalagang proseso sa pagluluto, dahil na huhugasan nito ang tuyong dahon ng tubig bago lutuin. Minsan kasi yung ibang na bibili sa palengke may amoy tabako. 
-nawawala din ang amoy nito. 
-siguraduhing ito ay lubog sa tubig ng 3 minuto. 
-Minsan may kalakihan ang dahon ng gabi kaya kailangan itong gupitin. 
5.Ilagay sa salaan ang pinakulong dahon ng gabi. 
Dilis- hugasan sa tubig ang pina tuyong maliliit na hipon at ilagay sa tabi. 
-makikita na may maliliit na bato na galing sa hipon. Kaya kailangan itong hugasan mabuti. 
6. Sa mainit na kawali, maglagay ng mantika o olive oil.
7. Isangkutsa ang liyempo ng baboy, at takpan
-kapag napalabas na ang mantika ng liyempo ng baboy. 
8. Ilagay na ang bawang at isunod na ang maraming luya. 
-igigisa ang mga ito hangang lumabas ang aroma ng bawang at luya. 
9. Ilagay na ang sibuyas, 
10. Ilagay na din ang pulang sili na hiniwa. 
-igigisa ang mga ito hangang malanta na ang sibuyas. 
11. Ilagay na ang maliliit na hipon, at isunod ang maliliit na dilis. 
-may lasang konting pait ang dilis. 
-igisa ito ng 2 minuto. 
12. Ilagay na ang shrimp paste on bagoong isda. 
-igisa ng 2 minuto
13. Ilagay na ang gata ng niyog. 
-sariwang gata ng niyog ang pinakamasarap na ilagay dito. 
14. Pagkakulo ilagay na ang dahon NG gabi. 
-siguraduhing nahalo ng mabuti sa rekado at lubog ito sa sabaw. 
15. Hayaan kumulo ng 1 1/2 na oras
-sa mahinang apoy lamang. 
-huwag taktakpan para hindi lumabnaw ang sabaw nito. 
-makikita na nasagipsip na nito ang gata ng niyog. Ihalo lamang ito. 
-siguraduhing lamang na hindi dumikit at hindi sunog ang ilalim. 
-magdagdag pa ng gata ng  niyog kung kina kailangan. 
-siguraduhin na naihalong mabuti ang gata. 
"kasabihan nga pala na hindi hinahalo ang laing dahil kumakati ito" 
16. Tikman ang lansa. At hayang kumulo ulit ito
-15 minuto sa mahinang apoy. 
17. Ilagay ang lemon or kalamansi. 
-isa ito sa pinakamasarap na luto ng laing. 
18. Budburan ito ng sili 
19. Hayaan lamang ito ng 1-2 oras 
-makikita na nasipsip na ng dahon ang sabaw nito. At nagmamantika na din ito. 
Anu-ano nga ba ang mga sangkap sa pagluluto ng Laing? 


MGA SANGKAP:

  • 2 ounce dried taro leaves
  • 2 lemon 
  • 1 tbsp oil, olive oil
  • 1 onion
  • 5 gloves garlic
  • 1 whole ginger
  • 1 pound pork belly
  • 1 tbsp shrimp paste
  • 5 cups coconut milk 
  • 7 Thai chilli pepper
  • Salt and pepper to taste


Mga Dapat palatandaan:
  • Ang 2 ounces sa tingin mo ay marami, ang tuyong dahon ay sumasagipsip ng maraming tubig at lumalaki ito. 
  • Huwag daw haluin ang taro leaves sa kawali NG 15 to 20 minuto para daw hindi makati kapag kinain. 
  • Huwag maglagay ng maraming sili kung kapag hiniwa ito ng maliliit. Maglagay na lang NG sili kapag malapit ng matapos maluto ito. 

Preparasoyon: 15 minuto
Oras sa pagluluto : 2 oras mahigit
Para sa mga may katanungan mag comment lang po.. Maraming salamat 

HUWAG KALIGTAAN MAGPASALAMAT SA MAY KAPAL SA PANG ARAW-ARAW NATING KINAKAIN. ❤️🙏



Kilalang Mga Post