Maja Blanca



MAJA BLANCA (LATIK)..tanblogs (tan4321.blogspot.com)

M
AJA BLANCA [MAJA BLANCA RECIPE] [MAJA BLANCA SARAP MERYENDA]


MAJA BLANCA
Ang Maja Blanca isang meryendang pinoy na na parang gelatin na ginagamitan Ng coconut milk, corn starch at mais. Ito ay creamiest at richest na meryendang pinoy.Ang Maja Blanca ay sine serve tuwing may special na okasyon kagaya ng party, festival, wedding at marami pang okasyon. Ito ay tinatawag din na coconut pudding. Ang meryendang Ito ay madali lamang lutuin at abot Kaya sa bulsa. 
Paano lutuin ang Maja Blanca
Ang pag prepare ng ay madali lamang. Ang gagawin lamang ihanda lahat ng mga sangkap at ihanda ang paglulutuan. Ang gagawin ilagay ang gata ng niyog sa isang kawali. Pero para mas malinamnam gumamit ng fresh na gata ng niyog. At Kung wala naman pwedeng gumamit ng gata na nakalagay sa lata (canned coconut milk). Dapat mahina lamang ang apoy nito at huwag hayaan na magdikit sa kawali at dapat ihalo Ito every minute. Ihalo ang asukal at haluing mabuti. Pwede na din ihalo ang condensed milk at isunod ang corn (mais) o di kaya whole kernel corn na nakalagay sa can. Ihalo na din ang evaporated milk at haluin mabuti. Sa isang bowl na may fresh milk ilagay ang corn starch at haluin mabuti hangang walang buo buo. Ang cornstarch Kasi ang nagpapalapot sa ating niluluto. Idagdag ang corn starch sa pinaghalong mga sangkap at haluin lang ito ng hangang sa lumapot Ito at mag mix lahat ang mga sangkap. Patayin na ang apoy at ilagay na sa malinis na lalagyan. Mas mainam kung ilagay ito sa loob ng refrigerator at hayaan ng kahit 30minuto to 1 oras. Kapag malamig na ito ilagay na ang Latik o dika cheese sa ibabaw. 

Anu- ano mga ba ang mga sangkap ng Maja Blanca?
  • 4 cup coconut milk (gata ng niyog)
  • 3/4 cup corn starch
  • 14 ounces condensada
  • 3/4 cup fresh milk
  • 3/4 white sugar
  • 15 ounces whole sweet kernel corn (mais)
  • 5 tbsp Latik or cheese
Paano lutuin ang Maja Blanca?
  1. Sa isang pot ilagay ang gata ng niyog at pakuluan.
  2. Ihalo ang asukal, condensada, whole kernel corn at haluing mabuti.
  3. Pakuluan ng 10 minuto, haluin ito kada isang 2 minuto 
  4. Paghaluin ang fresh milk at corn starch.
  5. Ihalo ang pinaghalong corn starch at fresh milk sa pot at haluin ito mabuti.
  6. Haluin lang mabuti hangang lumapot ito.
  7. Ilagay ito sa malinis na lalagyan at iayus lang ang pagkakalagay.
  8. Ilagay sa refrigerator ng kahit isang oras para lumamig.
  9. Sa ibabaw ilagay ang Latik o dikaya cheese.
  10. Serve and enjoy..

Ilang oras lutuin ang Maja Blanca?
  • Preparation: 10 minuto
  • Oras sa pagluto: 35 minuto

Ilang calories meron ang Maja Blanca?
 Ito ay may 8g Calories, 574kcal Carbohydrates, 8g Protein, 31g Fat 

Sa mga may katanungan mag comment Lang po..
Please follow me for more.. thank you ❤️🙏



Kilalang Mga Post