Meryendang Pinoy

 

BANANA CUE

BANANA CUE[ BANANA CUE RECIPE] [PAGKAIN PINOY]

Ano ang meryendang pinoy?

Ang meryendang pinoy (merienda)  ito ay kinakain sa tanghali pagkatapos ng tanghali at bago kumain ng tanghalian. 

Ano ang Banana Cue (banana cue)?

Ito ay isang popular na meryendang pinoy o di kaya street food sa Pilipinas. Ito ay ang saging saba na tinuhog ng stick. 

Bakit tinawag na banana cue?

Ang salitang banana cue ay ang pinaghalong banana at barbecue. Ito ay piniprito at nilalagyan ng brown na asukal na nacaramelized na tinuhog sa barbecue stick.

Ang banana cue ba ay magandang pang diet?

Ang banana cue ay isang paboritong meryenda ng mga pilipino na may maraming benepisyo. Ito ay may Bitamina B6, Manganese, Vitamin C, Potassium, Dietry Fiber, Protein, Magnisium, Folate, Riboflavin, Niacin, Vitamin A at Iron. Kaya ito ay masustansiyang pagkain. Ito ay magnda sa appetite.

Anu- ano ang mga sangkap nito?


MGA SANGKAP:

  • 6 pirso ng saging na saba 
  • 2 basong brown na asukal
  • 4 basong mantika 
  • bamboo stick 



Paano ito lutuin?
 

  1. Painitin ang kawali at ilagay ang mantika.
  2. Kapag mainit na ang mantika i deep fry ang saging saba.
  3. Ilagay ang asukal at hinaan ang apoy
  4. Hayaang maluto hangang matunaw ang asukal. at ma coated ang saging.
  5. Tanggalin ang nalutong saging isa isa at diretsong ituhog sa bamboo stick.
  6. Ilagay sa malinis na lalagyan. 
  7. Serve and enjoy..

 

Ilang oras lutuin ang banana cue?
Preparasyon: 5 minuto
Oras sa pagluto: 10 minuto

Para po sa mga may katanungan mag comment lang po,,, maraming salamat

HUWAG KALIGTAAN MAG PASALAMAT SA MAY KAPAL SA PANG ARAW- ARAW NA BIYAYANG ATING KINAKAIN...💘🙏




 

 

 

 



Kilalang Mga Post