Paano mag luto ng Beefsteak Tagalog

Filipino Recipe | Beefsteak Tagalog |
Welcome sa Tanblog
   Ready na ba kayo mga guys, ngayong araw na ito ating pong alamin kung paano mag-luto ng Beefsteak Tagalog. Simpleng simple at madali lang po lutuin. 

Handa na ba kayo!!!!.... 👍💕
   Narito ang kumpletong listahan at sukat  na kailangan sa pag-lulu to ng Beefsteak Tagalog:

Mga rekado:
2 lbs  beef sirloin or top round, thinly sliced 
5 tablespoons dark soy sauce
1/2 pieces large lemon or 3 pcs. Kalamansi
1/2 teaspoon ground black pepper
3 medium red onions, sliced into rings
3 to 5 tablespoon cooking oil
1 1/2 teaspoons garlic powder
1 1/2 cups beef broth (water) 
1/2 teaspoon granulated white sugar
1/2 tablespoon of salt (based on the taste) 

Paraan sa pag lulu to ng Beefsteak:

1. Hugasan ang Karne ng beef at pagkatapos hiwain ayon ito sa gusto mong laki. 
2. Ilagay ito sa bowl at pigain ang lemon o di kaya kalamansi. 
3. Ilagay din ang soy sauce. at lagyan din paminta. 
4. Haluin at I marinate ng isa o di kaya  tatlong oras. (mas manuot ang lasa kapag magdamag ito ibabad)
5. Ipainit ang kawali at mantika. 
6. Iprito ang na marinate na beef sa kawali  ng 1 to 1 1/2 minuto magkabilaan. hangang sa mag mantika be sure na haluhaluin ito para hindi magdikit sa kawali. At para maging crispy.  (hanguin pagkatapos)
7. Sa parehong kawali, ibuhos ang natirang  sauce(soy sauce at lemon). 
8. Dagdagan NG tubig at garlic powder. 
9. Pakuluin ang mga ito. Para lumambot ang beef. pakuluin ng isang oras o higit pa. 
10. Ihiwalay ang karne ng beef sa isang bowl.
11. Idagdag ang beef broth at Haluin. 
12. Takpan ang kawali at pakuluin ng 30 to 45 minuto. (pwede ding pakuluin ng matagal pero dagdagan ng tubig kung kina kailangan. Huwag hayaan na maubusan ng tubig) 
13. Ilagay ang asukal, onion, salt, at ground pepper. 
14. Haluin at pakuluin NG 5 to 7 minuto. 
15. Pagkaluto ilagay ito sa lalagyan. 
16. Enjoy... Eating... 

Huwag kaligtaan mag pa salamat sa may kapal sa mga biyayang ating kinakain sa pang araw-araw.. 





Kilalang Mga Post