Paano mag luto ng tuyong manok na adobo
Paano magluto ng tuyong manok na adobo
ADOBONG MANOK..THE BEST
Mga rekado:
- 2 pirasong sibuyas
- 1 kilong hiniwang manok
- 1 buong bawang
- 1/2 tsp na asin
- 1/2 paminta
- 3-4 tsbp soy sauce
- 2 pirasong tuyong bay leaves
- 1/2 tsp peppercorn
- 3-4 tbsp suka
- oil
- 2 tbsp brown asukal
Paraan ng pg luluto:
- Sa mainit na kawali ilagay ang mantika
- Ilagay ang nahiwang sibuyas ,haluin (Kapag medyo brown na ang kulay ng sibuyas)
- Ilagay ang nahiwang bawang, haluin hangang brown ang kulay
- ilagay ang nahiwang manok, haluin (pwede pong hindi na maglagay ng tubig kasi magkakatubig ang karne ng manok kapag napakulo na.)
- Takpan ang kawali at hayaan lang kumulo hangang 8 minuto.(makikita niyo na may tubig na hayaan lang ito kumulo ng kumulo) haluin
- Ilagay ang dahon ng laurel
- Ilagay ang 1/2 cup na soy sauce
- Ilagay ang 2 tbsp na asukal (kung kinakailangan)
- Haluin hangang maghalo lahat ng mga rekado at magkalasa ang manok.
- Takpan ulit ang kawali ng 8 to 10 minuto.
- Haluin lang ng haluin.
- Ilagay ang black pepper
- Ilagay ang 2 tbsp na suka
- Takpan at pakuluin ulit ng 8 to 10 minuto o di kaya hangang mag mantika na ang sauce ng ating adobong manok.
- Hayaan lang sa kawali saglit hangang wala ng tubig at haluin lang ito para mas lumabas pa ang mantika ng manok.