PALITAW(RICE CAKE)
PALITAW( RICE CAKE)
PALITAW( RICE CAKE)PALITAW RECIPE
Ang PALITAW ay gawa sa Glutinous rice flour, na may kinayod na buko ng niyog, sesame seed, at asukal sa ibabaw nito. Ito ay pagkain ng mga Pilipino. Ito ay niluluto tuwing may okasyon o di kaya kinakain sa meryenda. Tinatawag nila itong kakainin ng mga Pilipino.
Ang palitaw ay gawa ng pinaghalong rice flour( malagkit) na nilalagyan ng konting tubig para maging dough ito. Ang dough na ito ay hinahati ng maliliit na piraso at hinuhulma ito sa kamay ng pabilog. Ito ay niluluto sa pinakuluang tubig hangang sa lumutang. Kaya tinatawag na palitaw sa salitang "LITAW" na ang ibig sabihin ay lumilitaw kapag napakuluan na.
MGA SANKAP:
- 2 basong glutinous rice flour (malagkit)
- 1/2 granulated na asukal
- 1 basong tubig
- 1/2 baso na sesame seeds
- 1 cup kinayod na buko ng niyog
- Sa malinis na bowl ilagay ang 2 basong glutinous rice flour at ilagay ang tubig hangang mag form ito ng dough.
- Himayin ito hangang mag form ng bilog.
- Kumuha ng konting piraso ng dough at pigain ito gamit ang iyong palad. Hangang mag form ito ng flat.
- Magpakulo ng tubig sa isang pot.
- Ilagay ang na form na flat dough sa kumukulong tubig.
- Kapag lumutang na ang flatted form tanggalin na ito sa kumukulong tubig.
- Ihalo ito sa pinaghalong asukal at sesame seeds.
- Ihalo din ang kinayod na niyog sa mgkabilaan hangang matakpan ang flatted dough ng niyog.
- Ilagay ito sa malinis na lalagyan
- Serve and enjoy eating.....
Preparasiyon: 10 minuto
Oras sa pagluto: 15 minuto
Buong oras: 15minuto
Sa may mga katanungan mag comment lang po.
HUWAG KALIMUTANG MAG PASALAMAT SA MAY KAPAL SA PANG ARAW-ARAW NA BIYAYANG ATING KINAKAIN💖🙏