PANCIT BIHON GUISADO

PANCIT BIHON GUISADO
PANCIT BIHON GUISADO[Pancit bihon guisado recipe]

Origin: Philippines                                                    Alterna Name: Pansit

MGA KATANUNGAN:

Ano nga ba ang pancit bihon guisado?

Ano ang ibig sabihin ng  Bihon?

Ano ang ibang tawag sa bihon?

Anu- ano ang mga sangkap sa pagluluto ng pancit bihon guisado?

Ang bihon at sotanghon ba ay magkapareho?

Saan madalas nakakain ang pancit bihon guisado?


Ang bihon (rice vermicelli, rice noodles, rice sticks) ay isang uri ng mahabang pansit na gawa sa puting bigas. Ito ay magkaiba sa sotanghon.

Ang pancit naman ay mga pagkaing may luglog, katulad ng makaroni, bihon o miswa. 

Ito ay niluluto sa pinaghalong pansit noodles, karne ng manok, hipon, at mga gulay. Ang mga  bahay kainan ng mga pancit ay tinatawag na panciteria o pancitan. Ito ay kadalasang niluluto kapag may mga okasyon tulad ng kaarawan, pagtatapos sa pag-aaral, piyesta, at iba pang okasyon. Sa ibang barangay tinatawag din nila itong "long life" na pambahaba daw ng buhay kung kumain ka daw ng pancit. Madaling lutuin lamang ang pancit bihon guisado. Nirerekomenda ko ang mga simpleng sangkap na tiyak magugusatuhan niyo.

MGA SANGKAP:

  • 4 cups water
  • 4 tbsp cooking oil
  • 5 gloves garlic 
  • 1/4 tsp ground black pepper 
  • 1/2 cup chopped parsley
  • 2 pcs. chinese sausage
  • 5 tbsp dark soysauce 
  • 1 medium onion 
  • 3 stalks celery
  • 3/4 cup sliced long green beans
  • 3/4 carrot
  • 1/2 pcs. small cabbage
  • 8 pcs. shrimp
  • 1/2 lb chicken thigh
  • 1 pc. knorr shrimp  cubes 
  • 1/2 lb pancit bihon 
  • 1 pc. lemon or kalamansi
  • salt

 


PARAAN NG PAGLULUTO:

  1. Hugasan at hiwain ang mga sangkap na gagamitin.
  2. Ibabad ang pancit bihon sa maligamgam na tubig ng 8 hangang 10 minuto. (pagkatapos ibabad ilagay ito sa salaan para ma drain ang tubig nito)
  3. Sa isang malinis na kawali,  mag lagay ng mantika at I pan fry ang hipon ng magkabilaan. (pagkatpos tangalin sa kawali at itabi)
  4. Sa kawaling pinag prituhan ng hipon igisa ang sibuyas at bawang . kapag medyo brown na ang kulay ng bawang at sibuyas, Ilagay ang chinese sausage. Lutuin lamang ng 2 minuto.
  5. Ihalo ang karne ng manok at celery. Lutuin lamang ng 3 minuto.
  6. Ilagay ang knorr shrimp cubes. Hayaan lang kumulo ng 2 minuto.
  7. Ibuhos ang soy sauce 
  8. Ihalo ang carrot, green beans, parsley, cabbage. Haluin at lutuin ng 5 minuto sa mahinang apoy.
  9. Ilagay na ang pancit na naibabad sa tubig.
  10. Maglagay ng ground black peeper at asin ayon sa panlasa.
  11.  Ilagay ang napritong hipon, at haluin.
  12. Takpan ang kawali at hayaan maluto ng 5-8 minuto.
  13. Ilagay sa malinis na lalagyan ..
  14. Serve and enjoy.
 
Preparasyon; 10- 15 minuto
Oras sa pagluluto: 15- 20 minuto

Sa mga may katanungan po mag comment lang.

HUWAG KALIGTAAN MAGPASALAMAT SA MAY KAPAL SA MGA BIYAYANG ATING KINAKAIN SA PANG ARAW-ARAW💘🙏

Kilalang Mga Post