Pinakbet Ilokano

PINAKBET ILOKANO

PINAKBET ILOKANO[ PINAKBET RECIPE]

Ating alamin at tuklasin:

Ano ang salitang ilokano ng pinakbet?
Ang pinakbet ay ang mga pinaghalong mga gulay na nilagyan ng shrimp paste ( bagoong isda o bagoong monamon).
Ano ang pinagkaiba ng tagalog at illokano na pinakbet?
Ang original na pinakbet ilokano ay nilalagyan ng bagoong na isda para sa panlasa. Ang pinakbet tagalog naman ay nilalagyan nila    ng bagooong alamang. Minsan nilalagyan din nila ng asukal. 
Saan nag simula ang pinakbet ilokano?
Ang pinakbet ilokano ay ang local vegetable dish sa Ilocos region. Sa salitang ilokano na "pinakebbet" na ang ibig sabihin ay "shriveled" or "shrunk" hangang ang mga gulay nito ay luto.
Ano ang pinakaimportanteng gulay sa pinakbet?
Ito ay ang mga ampalaya(bitter gourd), talong,(eggplant), okra, green beans, chilli pepper , kamatis, sweeet potato at kalabasa na may magandang dulot nito sa ating katawan na bitamina at minerals. Ang ampalaya ay nagbibigay ng anti-oxidants sa katawan na nagpapababa ng blood sugar.
Anu-ano ang mga sankap ng pinakbet ilokano?

MGA SANGKAP:
  • 4 piraso ng eggplant
  • 2 piraso ng ampalaya
  • 1/2 tali ng string beans (sitaw)
  • 1 piraso ng sweet potato
  • 1 piraso ng sibuyas
  • 1 1/2 baso ng tubig
  • 1 lb karne ng baboy (lechon kawali)
  • 1/4 bagoong isda
  • 1/4 na kalabasa
PARAAN SA PAGLULUTO:
  1. Hugasan at ihanda ang mga sangkap na gagamitin.
  2. Iprito ang lechon kawali hangang sa maging golden brown. (set aside)
  3. Sa malaking lutuan , maglagay ng tubig at pakuluan.
  4. Ilagay ang bagoong isda  at pakuluan.
  5. Ilagay ang sweet potato at isunod ang okra, ampalaya, talong, sitaw, kamatis, sibuyas haluin at takpan. Lutuin ng 20 minuto.
  6. Ilagay ang lechon kawali at haluin.
  7. Ilagay sa malinis na lalagyan at 
  8. Serve and enjoy...


  9. Preparasyon: 15 minuto
  10. Oras sa pagluluto: 30- 40 minuto

Sa mga may katanungan mag comment lang po.. maraming salamat

HUWAG KALIGTAAN MAGPASALAMAT SA MAY KAPAL SA MGA BIYAYANG ATING KINAKAINSA PANG ARAW-ARAW..💘🙏




 

Kilalang Mga Post