SINAMPALUKANG MANOK

SINAMPALUKANG MANOK(CHICKEN IN TAMARIND SOUP) 
SINAMPALUKANG MANOK(CHICKEN IN TAMARIND SOUP) 

Paano nga ba mag-luto ng sinampalukang manok?

Ano nga ba ang sinampalukang manok?

Anu-ano nga ba ang mga sangkap sa pagluluto ng sinampalukang manok?

Ilang oras lutuin ang sinampalukang manok? 

          Ang sinampalukang manok ay Pilipino luto NG  maasim na soup na niluto sa sampalok na bunga o di kaya dahon. Ang sinampalukang manok ay may kahalintulad sa sinigang. Ang sampalok ay ginagamit sa pagluluto para umasim ang lasa ng lutuin. Ang ulam na ito ay makakain sa mga restaurant at mga carinderias. Kung may puno ka ng samapalok sa iyong bakuran subukan mo itong lutong ito tiyak hindi ka magsisisi na ang simpleng halaman sa iyong bakuran ay pwede mo pa lang gamitin para sumarap at umasim ang iyong luto. Bihira lamang bilhin ang dahon ng sampalok sa mga groceries. 

May iba't ibang paraan sa pagluluto ng sinampalukang manok. Pero para sa akin magluto tayo ng madali at simpleng paraan. 

Tara umpisahan na natin ang pagluluto... 

Preparation time: 5-10 minutes 

Cooking time: 35-40 minutes


MGA SANGKAP:

  • 1 buong manok (cut into serving pieces)
  • 1 maliit na sachet ng sampalok sinigang mix
  • 2 basong fresh spinach
  • 3 pirasong kamatis
  • 2 tbsp patis
  • 1 1/2 tamarind leaves
  • 1 maliit na talong
  • 1/2 lb sitaw
  • 1 medium na sibuyas
  • 1 manok bouillon
  • 3 kutsarang mantika
  • 3-4 na basong tubig

PARAAN NG PAGLULUTO:

  1. Hugasan at hiwain ang mga sangkap na kakailanganin
  2. Painitin ang cooking pot at ilagay ang mantika
  3. Ilagay ang sibuyas at kamatis( kapag malambot na ang kamatis at sibuyas)
  4. Ilagay ang manok at haluin( lutuin ang manok hangang medyo brown na ang kulay)
  5. Ilagay na ang patis at isunod ang chicken bouillon. Haluin(siguraduhing nahalo lahat ang mga sangkap)
  6. Maglagay na ng tubig.  takpan at hintayin lang na Kumolo
  7. Ilagay ang dahon ng sampalok. haluin
  8. Lagyan ng sinigang mix
  9. Ilagay ang talong na nahiwa at sitaw ( lutuin lang ng konting minuto)
  10. Ilagay na ang dahon ng spinach haluin at takpan( hintayin lang maluto)
Serve and enjoy.... 

HUWAG KALIGTAAN MAG PASALAMAT SA MAY KAPAL SA MGA BIYAYANG ATING KINAKAIN SA PANG ARAW-ARAW.. ❤️🙏

Mag comment lang po at paki subscribe na din po maraming salamat 🙏❤️



 

Kilalang Mga Post